^

Metro

Pamangkin ni Eddie Garcia tiklo sa pagpitas ng kuwintas

-
Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano ay pamangkin ng premyadong aktor/direktor na si Eddie Garcia matapos nitong pitasin ang kuwintas ng isang kolehiyala kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang suspek ay nakilalang si Gilbert Garcia, 30, residente ng 2891 H. Santos St., ng nasabing lungsod. Samantala ang biktima ay nakilala namang si Jorriza Ann Garcia, 17, 2nd year college ng Adamson University at residente ng Progressive St., Bgy. Guadalupe Viejo ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Jun Asinas, ng Theft and Robbery Section na bandang alas-11:45 ng umaga ay nakasakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep at binabaybay ang kahabaan ng Pasong Tamo St., nang ito ay huminto dahil sa trapik.

Hindi namalayan ng biktima ang paglapit ng suspek at hinablot sa leeg ang suot nitong kuwintas.

Humingi ng saklolo ang biktima na nakatawag pansin sa dalawang pulis na nakilalang sina PO1 Arnel Galvan at PO1 Randy de Villa na nakatalaga sa Mandaluyong PNP na naglalakad sa mga oras na iyon at ito ay kanilang hinabol hanggang sa maaresto.

Sinabi ni SPO3 Asinas na ang suspek ay kilabot na snatcher at ito ay lagi nilang naaaresto subalit lagi namang nakakalabas dahil sa piyansa.

Hindi naman umano ito kinukunsinti ng aktor/direktor Eddie Garcia ang gawain ng pamangkin at hindi umano siya nagkulang ng pagpapaalala dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ARNEL GALVAN

EDDIE GARCIA

GILBERT GARCIA

GUADALUPE VIEJO

JORRIZA ANN GARCIA

JUN ASINAS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

PASONG TAMO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with