^

Metro

Ginang na nagpakilalang kaanak ni Cong. Asistio, tiklo sa kidnapping

-
Inaresto ng pulisya ang isang ginang na nagpakilalang kamag-anak ni Congressman Luis "Baby" Asistio matapos nitong kidnapin ang isang 6-anyos na batang babae, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang dinakip ay nakilalang si Lolita Asistio, 46, ng 58 8th Avenue, ng nabanggit na lungsod. Ito ay kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City dahilan sa kasong kidnapping. Walang inirekomendang piyansa dito.

Samantala, patuloy namang hinahanap ng pulisya at ng kanyang mga magulang ang biktima na nakilalang si Natalie Rose Hormillosa, ng nabanggit na lunsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi ng madiskubre lamang ni Jose Hormillosa, ama ng biktima ang pagkawala ng kanyang anak makaraang dumating ito sa kanilang bahay buhat sa trabaho.

Napag-alaman na huling nakita ang bata kasama ang suspect habang kumakain ang mga ito sa isang burger house sa Monumento.

Sa halip umanong ibalik ng suspect ang biktima sa bahay matapos na kumain ay dinala niya ito sa bahay ng kanyang anak na nakilalang si Alexis sa Tayuman, Manila. Naidlip umano siya (suspect) dahil sa matinding pagod at nang siya ay magising ay wala na doon ang bata at ang kanyang anak.

Nang maaresto nagpakilala itong kaanak ni Congressman Asistio. Hindi naman malinaw kung bakit isinama ng suspect ang batang biktima at kung paano ito nakalusot sa mga kamag-anak ng bata. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALEXIS

ASISTIO

CALOOCAN CITY

CONGRESSMAN ASISTIO

CONGRESSMAN LUIS

GEMMA AMARGO

INARESTO

JOSE HORMILLOSA

LOLITA ASISTIO

NATALIE ROSE HORMILLOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with