^

Metro

Kasong kidnap-slay kay Dacer at Corbito hindi puwedeng ilipat sa Cavite

-
Hindi maaaring ilipat sa Cavite ang pagdinig sa kasong pagpaslang sa PR man na si Bubby Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Justice Secretary Hernando Perez, may dahilan kung bakit sa Manila Regional Trial Court isinampa ang kaso nina Dacer at Corbito.

Ipinaliwanag ni Perez na sa lungsod ng Maynila naganap ang pagdukot sa mga biktima, gayundin dito umusad ang naturang asunto kaya’t sa Maynila isinampa ang kaso.

Matatandaan na una nang kinastigo ni MRTC Judge Rodolfo Ponferrada ang ginawang pagsasampa ng DOJ sa kaso ni Dacer sa Maynila na dapat umano ay sa Cavite dinggin ang kaso. Agad nitong inutos na isampa sa Cavite Municipal Trial Court ang kaso laban sa mga dating miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na isinasangkot sa krimen.

Samantala, sinabi naman ni Perez na ayaw nitong makipagtalo kay Ponferrada kaugnay sa nasabing usapin. Sinabi pa ng Kalihim na hihintayin na lamang niya ang magiging hakbang ng hukom sa kasong iniharap sa sala nito.

"Bahala na siya (Ponferrada) kung ididismis niya ang kaso laban sa mga suspect, saka na lamang gagawa ng aksyon ang DOJ," pahayag ni Perez. (Ulat Grace Amargo)

BUBBY DACER

CAVITE

CAVITE MUNICIPAL TRIAL COURT

DACER

EMMANUEL CORBITO

JUDGE RODOLFO PONFERRADA

MAYNILA

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with