^

Metro

Dinukot na sanggol nabawi; 2 kidnappers tiklo

-
Isang apat na buwang sanggol na dinukot kamakailan ang nabawi ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) sa kamay ng kanyang mga abductors kasabay nang pagkakadakip sa dalawang suspect pa sa isinagawang operasyon kamakailan sa Dinalupihan, Bataan.

Nakilala ang nabawing kidnap-victim na si Pamela Julie Ana Perpetua, ng North Fairview, Quezon City.

Samantala, nakilala naman ang mga naarestong suspects na si Carmela Maputol, 26 at ang bagong boyfriend nitong si Ernesto Ocampo Jr. ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa report, dinukot nina Maputol at Ocampo ang biktima habang natutulog ito sa bahay noong nakalipas na Mayo 11.

Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang tiyuhin ng biktima na si Pablito Osuna, 27.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at natunton ang pinaglunggaan ng mga suspect sa Dinalupihan, Bataan.

Napag-alaman na paghihiganti ang naging dahilan ni Maputol kaya niya dinukot ang pamangkin ni Osuna.

Si Osuna ay napag-alamang dating kasintahan ni Maputol na umano’y pinangakuan nitong pakakasalan subalit hindi natupad kaya naghiganti ito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CARMELA MAPUTOL

CENTRAL POLICE DISTRICT

DINALUPIHAN

ERNESTO OCAMPO JR.

MAPUTOL

NORTH FAIRVIEW

PABLITO OSUNA

PAMELA JULIE ANA PERPETUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with