^

Metro

2 holdaper timbog dahil sa alertong tsuper

-
Dahil sa pagiging alerto ng isang driver sa planong panghoholdap ng tatlong hinihinalang holdaper, nagawa nitong itigil ang kanyang minamanehong jeepney sa isang himpilan ng pulisya sanhi ng pagkakaaresto ng dalawa sa tatlong suspek matapos ang umaatikabong habulan sa Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi nakaligtas sa kamay ng batas ang mga suspek na nahulihan ng baril na Smith & Wesson .357 magnum na sina Wilson Balbiran, 27, binata, walang hanapbuhay, ng 1150 Leyte Balic-Balic Sampaloc, Maynila at Rolando Barredo, 24, may asawa, walang hanapbuhay, ng Brgy. Hinukay, Baliuag, Bulacan.

Kasalukuyang tinutugis naman ng awtoridad ang nakatakas na isang di-kilalang kasamahan ng mga suspek.

Ayon kay P. Supt. Virgilio Echeverria, Station Commander ng Western Police District Station 7, dakong alas-10:30 ng umaga nang biglang pumara sa harapan ng nasabing himpilan ng pulisya ang isang pampasaherong jeep na may biyaheng Malinta-Divisoria, nang malingunan nina SPO4 Reynaldo Morales, SPO1 Bienvenido Joaquin at SPO2 Victorino Cunanan ng Bike Patrol ay dali-dali nilang hinabol ang mga suspek na magkakasabay na nagtalunan sa sasakyan.

Matapos ang habulan, nadakip si Balbiran at nakapkap sa baywang nito ang nasabing baril at may 10 metro naman ang layo bago inabutan si Barredo habang ang isa sa kasamahan ng mga ito ay tuluyang nakatakas.

Nauna rito, nakaramdam ang driver na hoholdapin na siya at kanyang mga pasahero matapos na magsenyasan ang mga suspek habang armado ng baril kaya agad nitong iniliko ang kanyang jeep sa naturang police station upang makahingi ng tulong. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BIENVENIDO JOAQUIN

BIKE PATROL

ELLEN FERNANDO

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

LEYTE BALIC-BALIC SAMPALOC

MAYNILA

REYNALDO MORALES

ROLANDO BARREDO

STATION COMMANDER

VICTORINO CUNANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with