Ilang piling media ang pinapunta ni Daboy sa kanyang bahay sa Quezon City at dito ay inihayag na tinatanggap at kanyang nirerespeto ang pagkapanalo ni SB.
Kaugnay nito, nanawagan din si Fernandez sa kanyang supporters na tanggapin na lamang ang naging resulta ng eleksyon.
Gayunman, sinabi nitong ang kanyang pagko-concede ay hindi nangangahulugan na tigil na ang kanyang misyon para sa mga taga-Quezon City.
"Iaabot ko ang aking kamay kay Mayor SB sa anumang oras, puwede niya akong lapitan sa pagsusulong ng kaunlaran sa lungsod", dagdag pa ni Daboy.
Idinagdag pa nito na wala rin siyang balak na magharap ng anumang protesta patungkol sa nagdaang eleksyon at ang resulta nito ay kanyang igagalang.