^

Metro

Salesman kinotongan ng 4 na parak

-
Isang salesman ng softdrinks ang nagharap ng reklamong ‘pangongotong’ laban sa apat na miyembro ng Central Police District (CPD) matapos siyang kikilan ng mga ito ng halagang P20,000 makaraang mahuli siyang nakikipagromansahan sa loob ng kotse, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nagtungo sa tanggapan ni CPD director Rodolfo Tor ay nakilalang si Andrew Astudillo, 30.

Ayon sa pahayag ng biktima, bandang alas- 10 ng gabi kamakalawa habang nakaparada ang kanyang Nissan car sa madilim na bahagi ng Hebiscos St. sa kanto ng Bonggavilla St. sa New Manila, Quezon City ay sinita siya ng apat na miyembro ng CPD-Mobile Patrol Unit dahil sa ginagawa umano niya sa kotse kasama ang isang babae.

Hiningan umano ng mga pulis ang salesman ng halagang P30,000 upang hindi na ito maiskandalo at masampahan ng kasong public scandal hanggang sa tumawad ito at nagbigay na lamang siya ng P20,000.

Pinalaya ng mga pulis si Astudillo makaraang magbigay ng nasabing halaga. Kinabukasan ay nagtungo naman sa CPD ang biktima upang ipagharap ng reklamo ang mga "kotong cops".

Inihahanda na ang police-line up para kilalanin ng biktima ang mga pulis. (Ulat ni Rudy Andal)

ANDREW ASTUDILLO

ASTUDILLO

BONGGAVILLA ST.

CENTRAL POLICE DISTRICT

HEBISCOS ST.

MOBILE PATROL UNIT

NEW MANILA

QUEZON CITY

RODOLFO TOR

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with