^

Metro

Bilangan naudlot sa San Juan dahil sa bomb threat

-
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nangangalahati ang bilangan ng lokal na Commission on Election (Comelec) sa mga election returns sa bayan ng San Juan, ito ay matapos na namang matigil makaraang makatanggap ng sunud-sunod na bomb threat buhat sa hindi nagpakilalang caller na kanilang pasasabugin ang canvassing area, kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Unang nakatanggap ng bomb threat ang mga opisyales ng lokal na Comelec dakong alas-7:47 kamakalawa ng gabi. Agad nila itong ipinaalam sa San Juan police na mabilis namang nagpadala ng mga tauhan ng Bomb Disposal Unit sa munisipyo.

Matapos ang ilang oras na paghahalughog, wala namang nakitang anumang bomba sa naturang lugar.

Muli namang nakatanggap ng isang tawag ang pulisya dakong alas-2 ng madaling araw at naulit pa dakong alas-3:45 ng madaling-araw galing sa isang hindi nagpakilalang lalaki na nagsabing may bomba umanong nakatanim sa San Juan Municipal gymnasium na doon ginaganap ang tabulasyon ng mga election returns.

Muli na namang sinuyod ang lugar at walang nakitang bomba.

Dahil dito, lalong naging mahigpit ang seguridad ngayon sa naturang canvassing area dahil sa mga banta.

Dakong alas- 12:30 ng tanghali kahapon, tinatayang 40 porsiyento pa lamang ng election returns ang nabibilang.

Bagamat wala pang maipakitang pinakahuling tally ang local Comelec, sinabi ng mga ito na patuloy na nangunguna si JV Ejercito laban kay Adolfo Sto. Domingo. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADOLFO STO

BAGAMAT

BOMB DISPOSAL UNIT

COMELEC

DAHIL

DAKONG

DANILO GARCIA

MULI

SAN JUAN

SAN JUAN MUNICIPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with