GRO ayaw makipagbalikan kinatay ng ex-lover
May 20, 2001 | 12:00am
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 27-anyos na guest relation officer (GRO), matapos na gawing punching bag at limang beses na sinaksak ng kanyang dating live-in partner, makaraang tumangging makipagbalikan ng una at muling makisama sa huli kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ang biktima na kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital ay si Dolores Sierra, dalaga, nakatira sa No. 2300 Tramo St., ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong pasa, bukol at limang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang suspek na nakilalang si Alexis Acopio, 24, binata nakatira sa No. 69-Area D, Chest Clinic ng nabanggit na lungsod ay mabilis namang tumakas matapos isagawa ang krimen.
Base sa imbestigasyon ni SPO3 Cris Gabutin, ng Criminal Investigation Division (CID), pitong buwan ng hiwalay bilang mag-live-in partner ang biktima at suspek.
Dakong alas-5 ng madaling araw ay nagpunta si Acopio sa bahay na tinutuluyan ni Sierra upang himukin ang dalaga na muling makipagbalikan at makisama sa kanya, na tinanggihan naman ng dalaga dahil sa kawalan ng tiwala nito sa lalaki na bukod sa umanoy iresponsable ay lulong pa sa ipinagbabawal na gamot.
Nagalit si Acopio sa pagtanggi ni Sierra kayat ginulpi niya ang babae at hindi pa ito nakuntento ay nakahagilap ito ng ice pick at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Ilang mga kapitbahay ng biktima ang agad na sumaklolo at isinugod ang una sa nabanggit na pagamutan samantalang si Acopio ay mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am