2 guro sugatan sa holdap
May 19, 2001 | 12:00am
Dalawang guro na naglilingkod sa ginaganap na bilangan ng election returns sa Ninoy Aquino Stadium ang nasa bingit ng kamatayan makaraang pagsasaksakin nang tangkang lumaban sa dalawang holdaper sa Sta. Cruz, Manila, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga biktima na sina Jun Otsaka, 40 at Manilyn Magbanua, 33. Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng mga saksak sa katawan buhat sa dalawang suspect na sina Jerry Alvarado, 25 at ang live-in partner nito na nakilala lamang sa pangalang Monette na kapwa naninirahan sa 65 Sta. Marie, Paco, Maynila.
Si Alvarado ay agad na nadakip ng pulisya, habang ang live-in partner nito ay patuloy na nagtatago.
Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas- 11 ng gabi habang nag-aabang ang dalawang guro ng kanilang masasakyan sa kanto ng Gonzalo Puyat St. sa panulukan ng Avenida Rizal buhat sa kanilang pagta-trabaho sa Ninoy Aquino Stadium.
Papauwi na ang mga ito ng lapitan ng dalawang suspect.
Ayon sa sugatang witness na nakilalang si Hernani Depenio, nakita umano nito nang saksakin ni Alvarado si Otsuka at saksakin naman ni Monette si Magbanua kaya nang tangkain nitong tumulong sa mga biktima ay siya naman ang binalingang saksakin ng mga suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended