^

Metro

6 pang Metro Mayor iprinoklama na

-
Pormal nang iprinoklama ng mga opisyal ng Commission on Election (Comelec) ang mga nanalong kandidato na manunungkulan sa anim na lungsod sa Metro Manila makaraang matapos na ang bilangan sa kanilang mga lugar, kabilang dito ang dalawang misis ang papalit sa kanilang mga mister sa pagka-alkalde.

Ang mga lungsod na ito ay kinabibilangan ng Marikina, Mandaluyong, Pasig, Las Piñas, Pasay at Pateros.

Unang iprinoklama ng lokal na Comelec ang nanalong mayor sa Marikina City, ito ay si Ma. Lourdes Fernando. Papalitan niya ang kanyang mister na si Mayor Bayani Fernando. Isinagawa ang proklamasyon dakong alas-4 ng madaling-araw kamakalawa makaraang makakuha ng 83,003 boto laban kay Romeo Candazo na mayroon namang botong 51,867.

Nanaig rin ang kanyang ka-tiket sa pagkabise-alkalde na si Marion Andres na nakakuha ng botong 66,496 na malaki ang nilamang sa kanyang dalawang katunggali.

Dakong alas-7 naman ng umaga kahapon nang iproklama ni Ma. Anne Lacuesta ng city board of canvassers ng Comelec si incumbent Mayor Benhur Abalos na nakakuha ng botong 62,767 laban kay Ernesto Domingo Jr. na nakakuha naman ng boto na 37,849.

Dinomina rin ni incumbent Vice-mayor Jessie Cruz ang aktor na si Phillip Salvador sa kanyang botong 66, 633 laban sa 42,234 na nakalap ng huli.

Landslide naman ang pagkapanalo ni Soledad Eusebio sa lungsod ng Pasig sa pagka-mayor laban sa kanyang kalaban na si Mario Raymundo.

Papalitan ni Soledad ang kanyang mister na si incumbent Mayor Vicente Eusebio.

Sa pagka-bise alkalde, nanaig din ang kanyang katiket na si incumbent Vice-mayor Lorna Bernardo.

Pormal na iprinoklama sina Eusebio at Bernardo dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon sa Pasig City Sports Complex.

Samantala, sa Las Piñas, prinoklama na rin ni Atty. Ramon Rosello, ng Comelec si Vergel Aguilar bilang nanalong mayor sa nabanggit na siyudad, samantalang hinirang na ring nagwagi sa pagka-bise alkalde si Louie Bustamante.

Sa Pasay, prinoklama na rin ng Comelec sina Wenceslao Trinidad bilang nanalong mayor at Antonio Calixto bilang nagwaging bise-alkalde.

Gayundin din sa bayan ng Pateros, prinoklama na bilang mayor si Rosendo Capco at Willy Buenaventura bilang vice-mayor. (Mga ulat nina Danilo Garcia at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANNE LACUESTA

ANTONIO CALIXTO

COMELEC

DANILO GARCIA

ERNESTO DOMINGO JR.

JESSIE CRUZ

KANYANG

LAS PI

LORDETH BONILLA

MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with