^

Metro

Janitress na taga-libing ng abortionist, naaresto

-
Isang janitress na hinihinalang ‘taga-libing’ ng mga ipinalalaglag na sanggol ng isang ‘abortionist’ kapalit ng malaking halaga ang nadakip ng pulisya makaraang mahuli sa aktong ililibing ang isang patay na sanggol na nakalagay sa garapon sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni WPD Station 5 Chief, Supt. Ernesto Ibay ang suspect na si Vivian Libre, ng 1516 Sto. Sepulcro St., Paco, Maynila ay kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon at nakapiit ngayon sa WPD detention cell.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, si Libre ay nadakip sa aktong naghuhukay dakong alas12:15 ng madaling araw sa may kanto ng Pedro Gil St. at Quirino Avenue, Paco.

Sa panayam kay Libre sa kanyang kulungan, itinanggi nitong kasabwat siya ng isang abortionist at hindi fetus ang dala at ililibing sa lupa kundi isang tipak na laman at dugo ng baboy.

Idinagdag pa ni Libre na isa itong rituwal na ginagawa na kanyang minana pa sa kanyang lolo ilang taon na ang nakakaraan na kanilang kinikilalang mabisa upang labanan ang kulam at anumang kapangyarihang itim na mula sa demonyo.(Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

ERNESTO IBAY

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

QUIRINO AVENUE

SEPULCRO ST.

VIVIAN LIBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with