^

Metro

Obrero namaril na, nang-hostage pa

-
Isang construction worker ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang barilin at masugatan nito ang isang security guard at pagkatapos ay i-hostage pa ang isang mag-ina, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nasa malubhang kalagayan ngayon sa Phil. General Hospital ang biktima na nakilalang si Manuel Ramos, 37, ng Parang Marikina Heights, Marikina City at nakatalagang guwardiya sa Bliss Project Kaunlaran Village, Annex Road ng nabanggit na lungsod. Ito ay nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa suspect na si Espelito Pentado, construction worker sa nasabing housing project.

Ang suspect naman ay kasakuluyang nakapiit sa Pasay City Police Detention Cell.

Samantala, nakilala naman ang mag-inang hinostage na sina Irene Torres, 82 at anak na si Godilla Domingo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2 kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Binanggit sa ulat na madalas umanong apihin ng sikyu na si Ramos ang suspect na si Pentado at sinasabing lagi itong late pumasok sa trabaho.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang sikyu at suspect at dahil sa kinikimkim na galit ng huli ay inagaw nito ang service firearm ng una at saka ito pinaputukan ang sikyu.

Matapos mamaril mabilis na tumakas ang suspect at dahil sa kalituhan ay pumasok sa bahay ng mag-inang Torres at doon hinostage ang mag-ina.

Tumagal ng may 30 minuto ang ginawang negosasyon ng mga awtoridad sa suspect hanggang sa ito ay mapahinuhod at sumuko sa mga pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANNEX ROAD

BLISS PROJECT KAUNLARAN VILLAGE

ESPELITO PENTADO

GENERAL HOSPITAL

GODILLA DOMINGO

IRENE TORRES

LORDETH BONILLA

MANUEL RAMOS

MARIKINA CITY

PARANG MARIKINA HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with