^

Metro

Malonzo, Asistio kapwa nagsisihan

-
Kapwa nagsisihan ang magkatunggali sa pagka-Mayor na sina incumbent Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo at Rep. Luis "Baby" Asistio sa naganap na "failure of election" noong Lunes at ang pagkaantala ng pagpapatuloy na election kahapon.

Ito ay matapos na muling magkaroon ng pagkabigo sa pangalawang araw ng eleksyon na ibinigay ng Commission on Election (Comelec) dahil hindi muling nasunod ang takdang oras ng pagdating mga election paraphernalias sa mga presinto.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin dumarating ang mga election paraphernalias sa may 283 polling precinct sa district 1 habang sa district 2 naman ay may 82 polling precinct.

Sinisi ng ilang guro sa Macario Asistio High School ang umanoy kapalpakan ng Comelec na maaaring kasabwat umano nito ang city treaIsurer’s office na umiipit kaya’t tanghali na ay wala pa silang mga gamit sa election.

Sinabi pa ng mga guro na hindi umano dapat sisihin kung tatamarin na ang mga botante na ayaw ng bumoto dahil sa pagkaantala.

Ayon sa kampo ni Asistio na dehado umano sila at ito umano ay isang maliwanag na pandaraya na ginagawa ng kampo ni Malonzo dahil balwarte umano ng una ang nasabing lugar.

Sinabi naman ni Malonzo na wala siyang kinalaman sa mga nangyayaring kaguluhan bagkus sinabi nito na maaaring pakana ng mga Asistio ang kaguluhan dahil alam nilang talo na sila.

Samantala, nadismaya naman si Tony Tamayo, kandidatong kongresista sa Las Piñas City dahil sa umanoy lantarang dayaan matapos palabasin ng miyembro ng Comelec ang kanyang mga watcher at natira sa loob ng presinto ay ang mga watcher lang ng kalaban nitong si Cynthia Villar habang nasa kalagitnaan ng bilangan. (Mga ulat nina Gemma Amargo at Lordeth Bonilla)

ASISTIO

CALOOCAN CITY MAYOR REYNALDO MALONZO

COMELEC

CYNTHIA VILLAR

GEMMA AMARGO

LAS PI

LORDETH BONILLA

MACARIO ASISTIO HIGH SCHOOL

MALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with