Rep. Liban tinanggap na ang pagkatalo kay "SB"
May 16, 2001 | 12:00am
Tinanggap na kahapon ni Congressman Dante Liban ang kanyang pagkatalo kay House Speaker Sonny "SB" Belmonte Jr. sa nakaraang mayoral race sa Quezon City kahit sinisimulan pa lamang ang canvassing ng mga boto sa QC Hall.
Ipinabatid ni Liban ang pagko-concede nito makaraang magsalita siya sa dalawang malaking radio station at ihayag na tinatanggap niya ang pagkatalo kay SB.
Binanggit pa ni Liban na bagamat hindi siya pinalad sa eleksyon hangad pa rin niyang maglingkod sa mga taga-lungsod sa pamamagitan nang pagtulong sa mga ipatutupad na programa at proyekto ni Speaker Belmonte.
Base naman sa isinasagawang independyente/ hindi pa opisyal na tala ng mga boto sa mga presinto sa Quezon City, lalo pang lumaki ang lamang ni "SB" kumpara sa kanyang karibal ng 75,727 pang boto kahapon ng umaga.
Ayon sa di pa opisyal na tala (as of 8:09 ng umaga), base sa mga resulta mula sa mga presinto galing sa Comelec na ibinigay sa LAKAS-NUCD, nakakuha na si Belmonte ng mga 233,383 boto o mga 53.01 percent ng boto kumpara sa 157,656 o 35.81 percent na nakuha naman ni Rudy "Daboy" Fernandez.
Ayon sa mga political observers, ang kanilang hula ay magre-reflect ng margin sa tala ng mayoralty race na hindi bababa sa 100,000 hanggang sa taas na 150,000 pabor kay Belmonte. (Mga ulat nina Rudy Andal, Angie dela Cruz at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended