Erap, Jinggoy mananatili pa rin sa Veterans
May 16, 2001 | 12:00am
Mananatili pa sina dating pangulong Joseph Estrada at anak na si Jinggoy sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Ito ang ipinabatid ni Dr. Salvador Flores, attending physician ni dating Pangulong Estrada sa mga mamamahayag kahit maayos na ang pakiramdam ng dating Pangulo.
Sinabi ni Dr. Flores na ipinasya niyang manatili muna sa pagamutan si Estrada upang matiyak na wala na itong nararamdaman sa kanyang pangangatawan bago ibalik sa piitan sa Sta., Rosa, Laguna.
Samantala, sinabi naman ni PNP spokesman Chief Insp. Noli Romana na ang pagtanggi ng mag-amang Estrada na ipagpatuloy ang isinasagawang pagsusuri ang posibleng maging dahilan upang matagalan pa ang mga ito sa Veterans Hospital.
Ayon kay Romana na hanggat hindi natatapos ang check-up ng dating Pangulo at ni Jinggoy ay mananatili pa rin ang mga ito sa kanilang executive suite sa hospital na mahigit na ginuguwardiyahan ng mga itinalaga ritong bantay mula sa puwersa ng pulisya at militar.
Hindi rin umano masabi ng mga manggagamot sa Veterans kung kailan nga pormal na papayag ang dalawa upang maipagpatuloy na muli ang naudlot nilang medical check-up. (Ulat nina Rudy Andal at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended