^

Metro

Pedestrians sinuyod ng jeep, 2 patay, 2 kritikal

-
Dalawang katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos ang mga ito ay suyurin ng isang owner type jeep habang nag-aabang ng masasakyan sa San Andres Bukid kahapon ng madaling araw.

Namatay habang dinadala sa Philippine General Hospital ang mga biktimang sina Rafael Perez, 39, binata at residente ng Arellano St. at Rafael Mapugay, 21, empleyado at residente ng Aqua Marino St., na pawang taga San Andres Bukid.

Ang mga nasa kritikal na kalagayan ay nakilalang sina Philipton Zuñiga, 21 at ang driver ng owner type jeep na si Glacomo Castillo, 30.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodrigo Tibio na naglalagay ng tubig ang nasawing si Perez sa kanyang sasakyan sa kanto ng A. Francisco at Arellano St., na kung saan ay nandoon din ang iba pang biktima na nag-aabang ng masasakyan dakong alas 4:00 ng madaling araw.

Isa sa mga saksing pedestrian ang nagsabi sa pulisya na napansin nila ang paekis-ekis at mabilis na pagdating ng owner type jeep na may plakang PVB-735 patungo sa mga biktima.

Nahagip ng sasakyan sina Mapugay at Zuñiga hanggang bumangga sa sasakyan na naging dahilan para maipit si Perez ng dalawang sasakyan.

Inaalam pa ng pulisya kung lasing ang suspek na si Castillo o nawalan ito ng preno kaya nasuyod nito ang mga biktima na nasa kanto. (Ulat ni Ellen Fernando)

AQUA MARINO ST.

ARELLANO ST.

ELLEN FERNANDO

GLACOMO CASTILLO

PEREZ

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

PHILIPTON ZU

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with