^

Metro

Kano na nagtago ng pitong taon sa kasong rape, tiklo

-
Pagkatapos ng pitong taong pagtatago sa batas sa kasong rape, isang American national ang inaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang suspek ay nakilalang si Dennis Standefer, tubong Los Angeles, California ay nahaharap sa kasong panghahalay na isinampa ng isang 15 anyos na dalagita sa lalawigan ng Surigao Del Sur noong 1994.

Nagawang makatakas ng suspek sa bansa at nagtago ng pitong taon sa Jakarta, Indonesia.

Napag-alaman mula sa ahensiya ng Interpol na si Standefer ay nasakote ng pamahalaan ng Indonesia dahil sa pagiging over-staying ng Visa nito kaya’t hiniling ng Pilipinas na ito ay ma-extradite para humarap ito sa kaso.

Si Standefer ay nakaposas ng dumating sa paliparan at bahagyang duguan ang mga kamay nito dahil sa pagpupumiglas kaya’t ito ay sinaksakan ng pang-pakalma.

Sinabi naman ni Ben Altarejos ng NBI Jail Management Section, si Standefer ay inilipat sa kanila pansamantala ng Interpol habang hinihintay pa nila ang pahintulot na mailipat ito sa Surigao Del Sur.

Ang isinagawang extra-dition kay Standefer ay kauna-unahang nangyari sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia. (Ulat ni Wilfredo Suarez)

vuukle comment

BEN ALTAREJOS

DENNIS STANDEFER

JAIL MANAGEMENT SECTION

LOS ANGELES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILIPINAS

SI STANDEFER

STANDEFER

SURIGAO DEL SUR

WILFREDO SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with