Good Government Movement ni 'SB' tiyak ang panalo
May 14, 2001 | 12:00am
Malakas ang kumpiyansa ni Speaker Sonny SB Belmonte na siya ang mananalong Mayor sa Quezon City dahil sa panawagan nito sa mga mamamayan na maging mapagbantay at bumuto ng matalino na naaayon sa kanilang konsensiya.
Inihayag ni Belmonte na wala nang puwedeng ipalit sa mahusay na pamumuno matapos makakuha ito ng malakas na suporta sa ibat-ibang sektor ng lipunan gaya ng religious group, NGOs, mga kabataan, mga matatanda, kababaihan, grupo ng transportasyon, mga propesyonal, negosyante at higit sa lahat ang mga urban poor.
Inihayag nito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa lungsod tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyon, kaayusan at kapayapaan ay isa ito na kanyang pagtutuunan ng pansin upang maiangat ang kabuhayan ng kanyang mga kabababayan.
Ang Serbisyong Bayan team kasama na dito ang re-electionist vice-mayoral bet Connie Angeles, 4 na congressional aspirant at 24 kandidatong konsehal ay umiikot sa apat na distrito.
Hanggang sa kasalukuyan si Belmonte ay patuloy na nanguguna sa kanyang mga kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended