"Ang bumoto, ayon sa sariling konsensiya ay isa sa pinakamahalagang responsibilidad ng bawat Pilipinong botante na gustong marinig at mabilang sa pagpapasya kung sino ang gusto nilang mamuno sa susunod na taon, maging sa lokal o pambansang pamahalaan," pahayag pa ni Belmonte.
Inaasahang boboto si Belmonte sa Christ the King Elementary School sa Barangay Kristong Hari sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.
Kasabay nito, nanawagan si Belmonte sa mga pribadong grupo, tulad ng mga NGOs at iba pang pangsibikong grupo na tulungan ang mga taong subaybayan ang anumang bantang pagsira sa kasagraduhan ng eleksyon.
"Lahat tayoyy dapat na magbantay laban sa pandaraya at isulong ang malinis, maayos at mapayapang halalan," ani Belmonte.
Magugunitang sa pinakahuling survey ng Smart Research Services Inc., malaki ang lamang ni SB sa mga katunggali niya sa pagka-mayor sa Quezon City at nananatiling 2-to-1 ang kanyang posisyon na may 54 porsyento. Ang kanyang kasunod ay may 30 porsyento at ang huli ay may 10 porsyento lamang.