Kano na nagtago ng pitong taon sa kasong rape, tiklo
May 13, 2001 | 12:00am
Pagkatapos ng pitong taong pagtatago sa batas sa kasong rape, isang American national ang inaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang suspek ay nakilalang si Dennis Standefer, tubong Los Angeles, California ay nahaharap sa kasong panghahalay na isinampa ng isang 15 anyos na dalagita sa lalawigan ng Surigao Del Sur noong 1994.
Nagawang makatakas ng suspek sa bansa at nagtago ng pitong taon sa Jakarta, Indonesia.
Napag-alaman mula sa ahensiya ng Interpol na si Standefer ay nasakote ng pamahalaan ng Indonesia dahil sa pagiging over-staying ng Visa nito kayat hiniling ng Pilipinas na ito ay ma-extradite para humarap ito sa kaso.
Si Standefer ay nakaposas ng dumating sa paliparan at bahagyang duguan ang mga kamay nito dahil sa pagpupumiglas kayat ito ay sinaksakan ng pang-pakalma.
Sinabi naman ni Ben Altarejos ng NBI Jail Management Section, si Standefer ay inilipat sa kanila pansamantala ng Interpol habang hinihintay pa nila ang pahintulot na mailipat ito sa Surigao Del Sur.
Ang isinagawang extra-dition kay Standefer ay kauna-unahang nangyari sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia. (Ulat ni Wilfredo Suarez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended