^

Metro

Good Government Movement ni 'SB' tiyak ang panalo

-
Malakas ang kumpiyansa ni Speaker Sonny ‘SB’ Belmonte na siya ang mananalong Mayor sa Quezon City dahil sa panawagan nito sa mga mamamayan na maging mapagbantay at bumuto ng matalino na naaayon sa kanilang konsensiya.

Inihayag ni Belmonte na wala nang puwedeng ipalit sa mahusay na pamumuno matapos makakuha ito ng malakas na suporta sa ibat-ibang sektor ng lipunan gaya ng religious group, NGO’s, mga kabataan, mga matatanda, kababaihan, grupo ng transportasyon, mga propesyonal, negosyante at higit sa lahat ang mga urban poor.

Inihayag nito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa lungsod tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyon, kaayusan at kapayapaan ay isa ito na kanyang pagtutuunan ng pansin upang maiangat ang kabuhayan ng kanyang mga kabababayan.

Ang Serbisyong Bayan team kasama na dito ang re-electionist vice-mayoral bet Connie Angeles, 4 na congressional aspirant at 24 kandidatong konsehal ay umiikot sa apat na distrito.

Hanggang sa kasalukuyan si Belmonte ay patuloy na nanguguna sa kanyang mga kalaban.

ANG SERBISYONG BAYAN

BELMONTE

CONNIE ANGELES

HANGGANG

INIHAYAG

KANYANG

MALAKAS

QUEZON CITY

SPEAKER SONNY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with