Suspek sa payroll robbery, nangisay nang arestuhin
May 13, 2001 | 12:00am
Isang kilabot na suspect na sangkot sa serye ng payroll robbery ang nagmistulang pinalong dalag na nagkikisay at bumula ang bunganga nang arestuhin ng mga tauhan ng pulisya matapos na matunton ito sa pinagkukutaang bahay, kamakalawa ng madaling araw sa Pasig City.
Upang matiyak kung may sakit ngang epilepsy, isinugod ng mga umarestong pulis sa Pasig City General Hospital ang suspect na si Edgar Flores, alyas Dagger, ng Manggahan Floodway, Barangay Rosario, Pasig City.
Ayon kay Inspector Dominador Raymundo, hepe ng Pasig Warrant Division, si Flores ay natunton ng kanyang mga tauhan sa Barangay Sta. Lucia sa nabanggit na lunsod sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig RTC.
Sa rekord ng pulisya, sangkot ang suspect sa ilang insidente nang panghoholdap. Ito ay ilang beses na rin nakulong sa Pasig City Jail.
Pinakahuling insidente na kinasangkutan nito ay ang naganap na payroll robbery sa ginagawang Sta. Lucia Elementary School na dito natangay ng grupo ni Flores ang may P120,000 halaga ng pampasahod sa mga gumagawa sa paaralan.
Agad na naaresto ng pulisya si Flores ngunit nagawang makapagpiyansa at hindi na dumalo sa mga isinagawang pagdinig sa kaso kaya nag-isyu ng warrant ang korte laban dito.
Nang matunton naman ng mga pulis at akma nang bibitbitin ang suspect, bigla na lamang itong nangisay at bumagsak sa sahig. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am