Mag-amang Abalos sumagot sa kasong plunder
May 13, 2001 | 12:00am
Binatikos ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang kanyang mga kalaban na ang naisip na paraan ay ang pagsasampa sa kanila ng kasong plunder sa Ombudsman.
Binigyang diin nito na si Serafin Neria,na siyang nagsampa ng kaso ay may kinakaharap na kasong 2 counts of grave slander sa DOJ at pagkatapos ay siyang mag-aakusa sa kanyang ama na si dating Mayor Benjamin Abalos Sr., at sa buong pamilya na sila umano ay corrupt.
Hinamon ni Abalos Jr., si Neria na ma nahimik na lamang dahil ignorante siya sa sinasabi nitong nakapagbulsa siya ng P1.8B, dahil ang katotohanan nais ng Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbentaryo sa assets ng pamahalaan para maitugma ang financial data sa nakalipas na 31 taon na noon ay hindi pa siya alkalde.
Nakahanda silang harapin ang naturang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended