^

Metro

Erap at Jinggoy puwede nang makaboto sa San Juan

-
Maaaring pansamantalang makalabas ng selda si dating Pangulong Joseph Estrada at anak na si Jinggoy para magtungo sa San Juan at doon bumoto sa darating na Lunes.

Ito ang napagpasyahan kahapon ng anti-graft court ng 3rd Division ng Sandiganbayan sa kabila ng babala ng pulisya tungkol sa seguridad.

Ang mag-amang Estrada na napiit simula pa noong Abril 25 dahil sa corruption charges ay pansamantalang makakauwi sa kanilang home district sa San Juan sa araw ng eleksyon, gayunman ayon sa korte ang mga ito ay agad ding ibabalik sa kanilang piitan matapos na makaboto.

Ilang oras bago ang naturang kautusan ng korte, sinabi ni National Security Adviser Roilo Golez na nais nilang sa loob ng kulungan bumoto ang mag-ama para matiyak ang kaligtasan ng mga ito. Binanggit din nito na ang presensiya ni Erap sa San Juan ay maaaring maka-disrupt sa botohan sa San Juan.

Magugunitang inihayag din ni Comelec Commissioner Rex Borra na wala silang staff para magsagawa ng special vote sa detention center sa Laguna.

Samantala, sinabi naman ni PNP chief Director General Leandro Mendoza na nais din nilang sa detention cell na lamang magsagawa nang pagboto ang mag-amang Estrada sa seguridad na kadahilanan. (Mga ulat nina Grace Amargo at Jhay Mejias)

ABRIL

BINANGGIT

COMELEC COMMISSIONER REX BORRA

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

ERAP

GRACE AMARGO

JHAY MEJIAS

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with