Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Angelo Reyes, kasabay nang pagsasabing daraan ito sa legal na proseso kaugnay ng kasong ipinupukol dito.
Lumantad si Malajacan matapos ang may 11 araw na pagtatago sa mga awtoridad.
Sa hiwalay na press briefing, sinabi naman ni Brig. Gen. Arsenio Tecson, vice-commander ng Phil. Army na si Malajacan ay sumurender dakong alas-8 kahapon ng umaga matapos ang isang masusing pakikipagnegosasyon kay Major General Ernesto Carolina, commanding general ng 7th Infantry Division (ID) ng Phil. Army na nakabase sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
Si Carolina naman ang nakipag-koordinasyon kamakalawa ng gabi sa mga opisyal ng PA para sa mapayapang pagsuko ni Malajacan.
Ayon kay Tecson, si Malajacan ay hindi kasamang nagtago ng mga mistah o kaklase nito sa Phil. Military Academy (PMA) Class 71 na inuugnay rin sa kasong rebelyon na sina dating PNP chief Panfilo Lacson at Senator Gregorio Honasan.
Si Malajacan ay sinasabing isa sa mga nagplano ng kudeta laban sa administrasyon ng Pangulong Arroyo. (Ulat ni Joy Cantos)