^

Metro

Lolo napatay sa pagtatalo sa isyung house arrest kay Erap

-
Isang lolo ang nasawi, habang sugatan naman ang isa pa matapos silang pagtatagain ng kanilang kainuman makaraang magtalo kung dapat ilagay sa house arrest si dating Pangulong Joseph Estrada, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Ruben Sotto, 53, habang ginagamit naman sa East Avenue Medical Center ang kaibigan nitong si Alfredo Castel, 54.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Robinson Berja, alyas Joel, ng Quezon City.

Ayon sa ulat, dumalo ang biktima sa isang birthday party ng kanilang kaibigan sa Batasan Hills kung saan ay bisita rin ang suspect.

Habang nag-iinuman ang mga ito ay napag-usapan ng mga biktima at suspect kung nararapat bang ilagay sa house arrest si dating Pangulong Estrada.

Iginiit ng mga biktima na hindi nararapat ilagay sa house arrest ang Pangulo bagkus ay dapat na manatili ito sa selda sa Sta. Rosa, Laguna.

Ipinagtanggol naman ng suspect ang kanyang idolo na dito nagpalitan na sila nang maaanghang na salita hanggang sa biglang kumuha ng itak ang suspect at pinagtataga ang dalawang magkaibigang matanda.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ALFREDO CASTEL

AYON

BATASAN HILLS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

ROBINSON BERJA

RUBEN SOTTO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with