^

Metro

Technological University sa QC para sa mga kabataan hangad ni SB

-
Itinutulak ni Speaker Sonny "SB" Belmonte ang pagtatag ng isang Quezon City Technological University upang maturuan ang mga mag-aaral sa Quezon City ng mga kaalaman tungkol sa teknolohiya tulad ng computer science, na lubhang kailangan ngayon sa trabaho, hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa.

"Higit sa pormal na edukasyon, mas kailangan ngayon ang mga kaalaman sa teknolohiya", sinabi ni Belmonte kasunod nang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng may 18 grupo ng mga kabataan na nangakong magtutulungan para maitaas ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan sa lunsod at para makaiwas o maiwaksi ang ilegal na droga.

Sa papel, mayroon nang QC Technological University sa Quezon City, hanay sa dual tech education ng Alemanya, kung saan ang mga estudyante ay namamasukan bilang apprentice sa mga pabrika at kompanya upang matuto ng mga aktuwal na trabaho, kasunod nito ay ang pagkakaloob sa kanila ng sertipiko na nakumpleto nila ang mga aralin. Ito ay magagamit nila sa paghahanap ng matatag na trabaho.Ito ay mabibigyan niya ng katuparan kapag naging alkalde na siya sa Quezon City.

Aniya sa Europe, hindi gaanong pinapansin ang formal education sa ibat-ibang propesyon, bagkus ang hanap ng mga kompanya doon ay ang mga tapos ng vocational-technical schools.

Si SB, PPC’s leading mayoral bet sa Quezon City, ay nagsabing ang ganitong mga pagkakataon sa technological system ng education ang nais niyang ipagkaloob sa mga kabataang Pilipino.

ALEMANYA

ANIYA

BELMONTE

HIGIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

SPEAKER SONNY

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with