^

Metro

Bagol ng tren kumawala sa riles; libong commuters na-stranded

-
Libu-libong mga commuters ang na-stranded makaraang humarang sa daan ang isang nadiskaril na tren ng Phil. National Railways (PNR), kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Sinabi ni Nemencio Lerio, Metro Train 5005 operator na dakong alas-7:30 ng umaga ng madiskaril ang tren habang binabagtas nito ang Sangandaan station.

Bigla na lamang umanong nawala sa riles ang pang-apat na bagol nito at napunta sa gitna ng Samson road, masuwerte namang walang nasaktan sa pasahero.

Nabatid na galing ang tren sa Blumentritt station at patungo sa lalawigan ng Bicol at Cavite ng maganap ang aksidente.

Dahil dito, nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa naturang lugar dahilan upang marami ang mahuli sa kanilang mga tanggapan at paroroonan.

Lumuwag lamang ang daloy ng trapiko matapos ang dalawang oras matapos na maibalik na sa riles ang ika-apat na bagol ng tren.

Patuloy namang sinisiyasat ng pamunuan ng PNR ang naturang insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

BICOL

BIGLA

BLUMENTRITT

CALOOCAN CITY

CAVITE

DAHIL

GEMMA AMARGO

METRO TRAIN

NATIONAL RAILWAYS

NEMENCIO LERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with