^

Metro

2 Akyat-bahay timbog habang nagpapartihan

-
Dalawang miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang nasakote ng pulisya matapos na mamataan ang mga ito habang nagtatalo sa partehan ng ninakaw nilang mga alahas na umaabot sa halagang P1.9 milyon sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang dalawang nadakip na sina Walter Tuazon, 30 at Alexander Navarro, 41, kapwa ng Sta. Mesa, Manila.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas- 2 ng hapon kamakalawa ay nagpapatrulya si Inspector Cecilio Banzagales sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard nang mapansin nito ang dalawang suspect na nagtatalo sa kanto ng V. Mapa Street.

Nakita umano ng pulis na naglabas ng balisong ang isa at aktong sasaksakin ang kasamahan kung kaya’t nilapitan niya ito at inimbestigahan kung ano ang pinag-aawayan.

Nakita ni Banzagales ang isang supot na naglalaman ng mga alahas kaya kinutuban ang naturang pulis at isinama ang mga ito sa himpilan ng pulisya.

Lumabas sa imbestigasyon na ang mga alahas na umaabot sa halagang P1.9 milyon ay pag-aari ng negosyanteng si Alajudin Marijan ng Cubao, Quezon City na nilooban ng dalawang nadakip. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ALAJUDIN MARIJAN

ALEXANDER NAVARRO

ELLEN FERNANDO

INSPECTOR CECILIO BANZAGALES

MAPA STREET

NAKITA

QUEZON CITY

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

WALTER TUAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with