Ayon kay PNP Operations Chief, Director Edgardo Aglipay, nilalayon ng nasabing hakbang na matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa Lunes at walang mangyaring anumang pananabotahe ng ilang grupong planong manggulo.
Sinabi ni Aglipay na ang 15,000 pulis ay magmumula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan, samantalang ang natitirang 1,000 ay kukunin naman mula sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.
Ito umano ay base na rin sa kautusan ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza na tiyaking mapayapa at maayos ang isasagawang eleksyon. (Ulat ni Joy Cantos)