^

Metro

Joey Marquez, 2 pa kinasuhan ng plunder

-
Nasa "hot water" ngayon sina Parañaque City incumbent Mayor Joey Marquez at dalawa pang opisyal, matapos na ang mga ito ay sampahan ng kasong "plunder" sa tanggapan ng Ombudsman.

Sina Marquez, Parañaque City Treasurer Silvestre de Leon at Assistant City Treasurer Liberato Carabao ay sinampahan ng kasong plunder ni Armando Ronda, isang negosyante sa nabanggit na lunsod.

Base sa isinumiteng reklamo sa Ombudsman, nakasaad dito na magkakasabwat umanong nilustay nina Marquez ang kaban ng bayan ng pamahalaang lunsod na may kabuuang halagang umaabot sa P197,828,653.06.

Nabatid na hindi umano nag-remit ang nabanggit na mga opisyal noong Disyembre 31, 1999.

Ayon pa kay Ronda, base sa mga dokumentong kanilang nakalap, nagkaroon umano ng katiwalian sa pondo ng nabanggit na pamahalaang lokal, kaya’t isinampa nila ang kasong plunder sa nabanggit na mga opisyal.

Samantala, sinabi naman ng kampo ni Marquez na pawang mga black-propaganda lamang ang ipinakakalat ng kanyang mga kalaban at walang katotohanan ang inaakusa sa kanya.

Handa anila, nitong harapin ang anumang kaso dahil malinis ang kanyang konsensya.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARMANDO RONDA

ASSISTANT CITY TREASURER LIBERATO CARABAO

AYON

CITY TREASURER SILVESTRE

LORDETH BONILLA

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

SINA MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with