^

Metro

2,204 Pinay namamatay sa cervical cancer bawat taon

-
Umaabot sa 2,204 mga Pinay ang iniulat na namamatay taun-taon dahil sa cervical cancer.

Bukod dito, umaabot din sa 4,536 na mga bagong kaso ng cervical cancer ang naitatala taun-taon.

Ito ang inihayag kahapon ng Department of Health (DOH), kaugnay ng pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness month at ng Mothers Day.

Sinabi ni DOH Secretary Manuel Dayrit na ang cervical cancer ang siyang ikalawang uri ng kanser na kumikitil sa buhay ng maraming Pinay, habang una dito ay ang breast cancer.

Inuugnay ang cervical cancer sa ilang uri ng impeskyon tulad ng papilloma virus na siyang sanhi ng pagkakaroon ng genital warts.

Ang iba pang mga kaugnay na dahilan ng pagkakaroon ng napakalaking bilang ng mga nabibiktima ng cervical cancer, ayon pa sa DOH ay ang low socio-economic status, napakaagang pagkatuto sa sex at ang pagkakaroon ng maraming sexual partners.

Binigyang diin ni Dayrit na ang cervical cancer ay madaling malulunasan at maiiwasan sa pamamagitan ng kanilang organized cervical screening program. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BINIGYANG

BUKOD

CANCER

CERVICAL

CERVICAL CANCER AWARENESS

DEPARTMENT OF HEALTH

MOTHERS DAY

PINAY

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with