^

Metro

Kurikulum sa pag-aaral ng batas sa mga law school, luma na

-
Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED ) na "outmoded" o luma ng kurikulum sa pag-aaral ng batas sa mga law school sa bansa na dahilan naman ng mababang passing percentage sa mga nakalipas na bar exams.

Dahil dito, isang legal board panel ang bubuuin ng CHED upang mag-aral at lumikha ng mas epektibong curriculum. Bubuuin ang naturang panel ng mga mahuhusay na abogado na ibibigay sa kanila ng Korte Suprema.

Sinabi ni CHED Commissioner Ester Garcia na binigyan na sila ng Korte Suprema ng hurisdiksyon sa mga law school sa bansa at matingnan ang kalagayan ng mga ito.

Pangunahing gagampanan ng naturang legal board ang pagrerebisa at evaluation ng law curriculum ng mga unibersidad at kolehiyo. Nararapat umano na mai-update ito upang makahubog ng mahuhusay na mga abogado.

Naging batuhan ng kritisismo ng mga abogado ang CHED dahil sa umano’y pagkabigo nito na mamonitor ang mga sumusulpot na mga mahihinang klaseng law school.

Base sa bar results sa nakalipas na taong 2000, nabatid na sa 4,000 mga kumuha ng pagsusulit, tinatayang 900 lamang ang nakapasa dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BUBUUIN

COMMISSIONER ESTER GARCIA

DAHIL

DANILO GARCIA

HIGHER EDUCATION

INIHAYAG

KORTE SUPREMA

NARARAPAT

PANGUNAHING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with