2 life hatol sa ex-BIR cashier sa kasong plunder
May 5, 2001 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na mapatunayang guilty sa kasong 2 counts ng plunder na iniharap dito noong nakalipas na 1996.
Sinasabing ito ang kauna-unahang plunder case na nalitis at nadesisyunan sa bansa. Magugunitang sa susunod na buwan ay nakatakda nang i-arraign ang kasong plunder kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Sa 23 pahinang desisyon ni QCRTC Judge Diosdado Peralta ng Branch 99, inutos din nito na kumpiskahin ang lahat ng ari-arian ng akusadong si Dominga Manalili, dating empleyada ng BIR Region 7 sa Quezon Avenue, Quezon City.
Batay sa rekord ng korte, noong nakalipas na Abril at Nobyembre ng taong 1996 nagawang mailipat ni Manalili sa kanya ang may P260 milyong tax payment sa pamamagitan ng ginawang pamemeke nito sa lagda ni BIR Region 7 director Teofisto Sapitula.
Nakapagbukas ng dalawang account si Manalili sa Land Bank West Triangle Branch. Na-withdraw din nito ang salapi sa pamamagitan naman nang pakikipagsabwatan sa mga umanoy kaanak nito na sina Joel Marcelo, Luis Fe Jr., Gil Erencio at Reynaldo Enriquez.
Ang isang account ni Manalili ay nagkakahalaga ng P66 milyon at ang isa naman ay P193 milyon.
Ito ay na-withdraw ni Manalili sa ibat ibang pagkakataon.
Nagpalabas din ng warrant of arrest si Peralta laban kina Marcelo, Fe, Erencio at Enriquez. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest