WPD cop lider ng carnap gang, arestado
May 5, 2001 | 12:00am
Isang tauhan ng Western Police District (WPD) na sinasabing lider ng isang carnapping syndicate sa Makati City ang nasakote ng kanyang mga kabaro sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ni Chief Inspector Vicente Dizon, hepe ng Anti-Carnapping Unit ng Makati City Police ang dinakip na suspect na si SPO4 Renato Bautista, District Headquarters Security Unit ng WPD at naninirahan sa Dallas St., Barangay Bangkal sa lunsod na ito.
Samantala, ang complainant ay nakilala namang si Larry dela Cruz, isang technician.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, unang nagharap ng reklamo ang biktimang si dela Cruz makaraang makarnap ang kanyang Mitsubishi Galant na may plakang NFS-217 noong nakalipas na Abril 25 dakong alas- 9 ng gabi habang nakaparada sa Estrella St. sa nabanggit na barangay.
Dahil dito, agad na isinagawa ang operasyon na ikinadakip ni SPO4 Bautista.
Nabatid sa ulat na si Bautista ang kadalasang itinuturo ng mga carnapping suspect na nahuhuli sa siyudad na umano’y kanilang lider.
Ang nadakip na pulis ay sinampahan na ng kaukulang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended