^

Metro

Bahay ng anak ni Justice Badoy, tinangkang sunugin

-
Pinagtangkaang sunugin ang bahay ng anak ni Justice Anacleto Badoy ng Sandiganbayan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Hinihinala ang pagtatangkang pagsunog ay may kaugnayan sa kasong isinampa ng Sandiganbayan laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Kinilala ng Central Police District Station 10 ang biktimang si Christine Marie Badoy Sanchez, anak at sekretarya ni Justice Anacleto Badoy ng Sandiganbayan at nakatira sa Scout Torillo St., Barangay Laging Handa sa Quezon City.

Si Justice Badoy ng 3rd Division ng Sandiganbayan ay siyang nagpalabas ng warrant of arrest para sa kasong plunder laban sa pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada.

Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng madaling araw kahapon ng magising ang biktima dahil sa kakaibang usok na naamoy nito mula sa bintana ng kanyang silid.

Nang siyasatin ng biktima ay nakita nito ang isang sinunog na unan na sadyang inilagay sa kanyang aiconditioning unit.

Nang lumabas ang biktima mula sa loob ng kanilang bahay ay nakita nito ang isang taxi na nagmamadaling umalis palayo sa kanilang bahay.

Inaalam pa ng pulisya kung ang insidente ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa ng Sandiganbayan kay dating Pangulong Estrada. (Ulat ni Rudy Andal)

BARANGAY LAGING HANDA

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

CHRISTINE MARIE BADOY SANCHEZ

JUSTICE ANACLETO BADOY

NANG

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with