^

Metro

2 Metro mayor financier ng Mendiola rebellion

-
Dalawang city mayor ang umano’y tumanggap ng malaking halaga buhat naman sa isang elected at incumbent government official para kumuha ng mga taong dadalo sa pro-Estrada rally sa Edsa Shrine at pagkatapos ay utusan ang mga ito na lumusob sa Malacañang.

"Kasalukuyan kaming nangangalap ng mga ebidensiya laban sa isa pang elected government official. Ayon sa aming mga testigo, ang opisyal na ito ang nagbigay ng malaking halaga sa dalawang city mayor at ang perang ito ang ginamit para pondohan ang naturang rally sa Edsa kasunod nga ang paglusob sa Malacañang," ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco.

Gayunman, tumanggi si Wycoco na pangalanan ang dalawang mayor at ang sinasabing high-ranking elected government official hangga’t hindi pa pormal na naihaharap ang kaso laban sa mga ito.

Samantala, pinag-iibayo rin ng nabanggit na ahensiya ang pagpapalakas sa mga ebidensiya laban kina Senators Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, dating Ambassador sa Washington Ernesto Maceda, dating PNP chief Panfilo Lacson; police Chief Superintendent Victor Batac, Senior Superintendent Michael Ray Aquino at Cesar Mancao; Superintendent Diosdado Veleroso; Ronald Lumbao at isang Cesar Tañega na pawang nahaharap sa kasong rebelyon.

Binigyang diin pa ni Wycoco na may mga testigo at ebidensiya na magpapatibay sa kasong iniharap laban sa mga lider, bukod pa dito ang mga video clips at radio broadcasts, home-made firearms, mga bato at bladed weapons.

Isa sa umano’y isinasangkot at umuugong na report ay si Manila Mayor Lito Atienza na pinabulaanan naman nito.

Samantala, inihayag naman kahapon ng anak ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman at mayoralty candidate Jejomar Binay na hindi nagtatago ang kanyang ama, matapos silang makatanggap ng impormasyon na dadakpin ito dahil sa pagkakadawit sa kasong rebellion.

Sinabi ni Makati City Councilor Jejomar "Junjun" Binay Jr. na hindi nagtatago ang kanyang ama at kasalukuyan lamang itong nangangampanya.

Ayon sa batang Binay, sinabi sa kanya ng kanyang ama na handa itong magpaaresto anumang oras kung dadakpin nga ito. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

AYON

BINAY JR.

CESAR MANCAO

CESAR TA

CHIEF SUPERINTENDENT VICTOR BATAC

EDSA SHRINE

ELLEN FERNANDO

GREGORIO HONASAN

JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with