^

Metro

12 anyos nasawi, 2 ate kritikal sa saksak ng tiyo

-
Isang 12-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi, samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang dalawa nitong ate matapos na sila ay pagsasaksakin ng lasing nilang tiyuhin, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot pang buhay sa Martinez Medical Center sanhi ng tinamong tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jade Cunanan, samantalang agaw-buhay pa ang kanyang mga kapatid na sina Lucila, 20 at Reylyn, 22, makaraang magtamo rin ng mga saksak sa katawan.

Kaagad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect na si Reyvan Jamoras, tiyuhin ng mga biktima at kasama sa bahay ng mga ito.

Base sa isinagawang imbestigasyon dakong alas-2 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay. Nabatid na bago naganap ang krimen ay nakipag-inuman muna ang suspect sa mga kaibigan nito .

Nang dumating ito sa bahay ay lasing na lasing na at saka nagtungo sa kusina at kumuha ng kutsilyo.

Una nitong pinasok ang kuwarto ni Jade at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito habang natutulog. Dahil sa komosyon ay nagising ang dalawang ate ni Jade at tinangkang awatin ang kanilang tiyo subalit sila naman ang binalingang saksakin nito.

Kasalukuyang nakapiit ang suspect at inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

CALOOCAN CITY

DAHIL

GEMMA AMARGO

ISANG

JADE CUNANAN

KAAGAD

MARTINEZ MEDICAL CENTER

REYVAN JAMORAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with