^

Metro

Bungangerang misis, binoga ni mister

-
Matapos na mapikon sa napakalakas na pagbubunganga ng kanyang misis, isang lasing na mister ang wala sa sariling binoga ang kanyang asawa, kamakalawa ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Masuwerteng hindi napuruhan ang biktimang si Analie Desocatan, 32, ng 81 Makaturing St., Barangka Drive, Mandaluyong City, gayunman ito ay nasa kritikal na kondisyon pa rin sa loob ng Mandaluyong City Medical Center at inoobserbahan ng mga doktor.

Pinaghahanap naman ngayon ang kanyang mister na agad na tumakas na nakilalang si Felix Desocatan, 40, isang family driver. Dala nito sa ginawang pagtakas ang kanyang kalibre .38 baril na ginamit sa pagbaril sa kanyang misis.

Naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng madaling-araw nang lasing na umuwi si Felix. Dito naman siya sinalubong ng galit na galit niyang misis.

Agad umanong tinalakan ng misis ang kanyang mister na naging dahilan upang kunin ng huli ang kanyang baril at itinutok saa kanyang asawa.

Hindi naman mabatid kung sinadya nitong kalabitin ang baril na dumaplis sa sentido ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect na mister. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANALIE DESOCATAN

DALA

DANILO GARCIA

DITO

FELIX DESOCATAN

KANYANG

MAKATURING ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with