Ketong sa EDSA, 5 taon pa bago lilitaw
May 1, 2001 | 12:00am
Walang planong manakot o bugawin ang isang skin specialist na taga-Department of Health (DOH) nang ipahayag nito kamakalawa na mananalasa ang ketong o leprosy sa EDSA sa mga ralista roon dahil niya nagmamalasakit lamang siya sa mga inosenteng Pilipino na sumusuporta kay Erap sa panganib na kanilang kinakaharap sa prolonged exposure sa isang kulob at mataong lugar na kasama ang mga may sakit na ketong.
Sinabi ng mapapanaligang source na bagaman at may limang taon pa bago tuluyang magpakita ng pisikal na manifestations ang ketong ay mahalaga na malaman ng mga nasa EDSA na dapat ay magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa kung paano ito maiiwasan.
Nasa 100 porsyentong pangamba na mahawa ang mga ralista na mayroong open wounds at walang takip o kahit pa mga munting galos lamang, at higit sa 60 porsyentong panganib naman na mahawa rin yaong mga pawis na pawis na kung saan ang may open pores skin at nasa 50 porsyento naman yaong mga pagod na pagod at puyat dahil mababa ang kanilang immunity o natural body defenses.
Ang ketong tulad din ng tuberculosis ay nasasalin sa pamamagitan ng hangin, lamang ay higit na malaki ang virus ng leprosy kung ihahambing sa tuberculosis.
Sinabi pa ng source na ang isang may ketong kahit pa nga wala na itong physical manifestations o sugat sa katawan ay hindi nangangahulugan na wala na itong virus dahil nasa loob lamang ito ng kanyang katawan at anumang oras ay maaaring manalasa. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest