Lolo nahulog mula sa 6th floor na gusali, dedo
April 30, 2001 | 12:00am
Dahil sa sobrang kalasingan at pagewang-gewang na paglalakad, isang 56-anyos na biyudo na umanoy desperado ang nawalan ng panimbang habang nasa ika-anim na palapag ng gusali ng Goodwill Bookstore hanggang sa mahulog ito sanhi ng kanyang kamatayan sa C.M. Recto, Manila, kahapon ng madaling-araw.
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto ng biktima na kinilalang si Elilio Tipunan, ng 1512 Florentino Torres st., Sta. Cruz.
Ayon sa ilang saksi, nakita munang pagewang-gewang na naglalakad ang biktima habang nasa naturang palapag at dahil sa sobrang kalasingan ay nawalan ng lakas hanggang sa bumulagta sa sahig bandang alas-12 ng hatinggabi.
Nakarinig na lamang ng isang malakas na pagbagsak ang ilang katao sa naturang gusali at matagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa ibaba.
Kaugnay nito, tinitingnan ng pulisya ang anggulo na posibleng nagpakamatay ang biktima dahil nabatid sa security guard na si Gabriel Lacson, nakatalaga sa nasabing gusali na kaya ito naglasing ay dahil muli na namang naalala ng una ang kanyang asawa na namatay noong nakalipas na taon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am