^

Metro

Northwest Airlines, nag-emergency landing sa NAIA

-
Nag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Northwest Airlines na patungong Japan ilang minuto pagkaalis sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraang tumagas ang langis mula sa third engine nito.

Napilitan ang NW Flight 70 na lumihis at tumawag sa Manila Control Tower para sa emergency landing sa NAIA dakong alas-10:10 ng umaga dahil ito ang pinakamalapit na international airport ng magkaroon ng oil leak ang naturang eroplano.

Ligtas namang nailapag ng pilotong si James Erwin at co-pilot na si Richard Kim ang eroplano na may sakay na 69 pasahero at 10 crew.

Ayon kay Ding Lina, chief ng NAIA’s international flight operations, hindi pantay ang lipad ng eroplano ng dumating kung saan nakahilig ito sa kaliwa ng lumapag bandang alas-10:47. (Ulat ni Rey Arquiza)

AYON

DING LINA

JAMES ERWIN

KUALA LUMPUR

LIGTAS

MANILA CONTROL TOWER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORTHWEST AIRLINES

REY ARQUIZA

RICHARD KIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with