^

Metro

Belmonte, nanguna sa QC mayoral survey

-
Hindi na isusugal ng mga residente ng Quezon City ang kanilang kinabukasan sa pagpili ng kanilang magiging susunod na alkalde.

Ito ang lumalabas sa pinakabagong survey na isinagawa ng Smart Research Services Inc. sa may 2,200 kuwalipikadong botante na sumagot sa survey sa apat na distrito ng QC kung saan tumataginting na 54.7% percentage vote ang nakuha ni Sonny "SB" Belmonte, tumatakbong alkade sa nasabing lungsod sa ilalim ng PPC-Lakas at NPC, kontra sa 28% ng movie action star na si Rudy Fernandez.

Ipinakita ng Pollstat QC summary results na si Belmonte ang malinaw na nagwagi sa apat na distrito, kasama ang ika-2 distrito, ang sinasabing bailiwick ng isa pa niyang katunggali na si Dante Liban, na nakakuha lamang ng 13.9%.

Tulad ng inaasahan, ibinigay ng ika-4 distrito kay Belmonte ang pinakamalaking rating na 70.1% (305) laban sa 24.8% (108) para kay Fernandez at 3% kay Liban o 13 sa kabuuang 435 respondents. Sa ika-1 distrito, 272 o 60.4% ang boto para kay Belmonte laban sa 132 o 29.3% kay Fernandez at 24 o 5.3% lamang kay Liban.

Kung pakikitirin ang laban sa pagitan lamang nina Belmonte at Fernandez, makukuha pa rin ni Belmonte ang 63.3% o 1,280 boto sa 2,022 respondents kontra sa 31.7% o 641 boto kay Fernandez.

Sa kabila nito, hindi nagre-relax si Belmonte sa magandang resulta ng survey na pumapabor sa kanya. Anya, hindi siya kampante sa kabila ng matibay na katunayang ito na siya nga ang "man to beat" sa eleksiyon sa pinakamalaking siyudad ng bansa.

Samantala, 25 o 1.2% ang walang pinili at 3.8% o 76 ang walang desisyon. Kung pagsasamahin ay hindi pa rin maaapektuhan ang resulta para buwagin ang pangunguna ni Belmonte sa survey. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANYA

BELMONTE

DANTE LIBAN

FERNANDEZ

KAY

LIBAN

MALOU RONGALERIOS

QUEZON CITY

RUDY FERNANDEZ

SMART RESEARCH SERVICES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with