13 kidnappers hinatulang mabitay
April 26, 2001 | 12:00am
Kamatayan ang naging hatol ng hukuman sa 13 miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate dahil sa pagdukot sa isang negosyanteng lalaki may tatlong taon na ang nakalilipas.
Pinatawan ni Parañaque City Regional Trial Court branch 259 Judge Zosimo Escano ang mga akusadong sina Federico Nuevo Cave, 38; pinsan niyang si Gerrydel Cave, 32; nakatatandang kapatid na si Ernesto Nuevo Cave, 45; Mamerto Obtenalla, 35; kapatid nitong si Eddie, 28; Generoso Nuevo, 42; Sanny Castante, 28; James Bond Bucala, 27; Richard Bucala Ordonez, 26; Elmer Garcia, 36; Amadeo Prado, 39; Freddie Colobong, 32, at asawa nitong si Lolita Prado-Colobong, 40.
Samantala, nakilala naman ang biktimang si Joseph Hodreal, 45, ng San Carlos st., Alabang, Muntinlupa City.
Base sa record ng korte, dinukot ang biktima noong Oktubre 8, 1998, bandang alas-10:30 ng umaga. Sakay ng Mercedez Benz Sedan ang biktima na minamaneho ng driver nitong si Danny Anam at binabagtas ang South Superhighway, Alabang ng biglang harangin ng isang Mitsubishi Galant.
Bumaba mula sa Galant sina Castante, James Bond Bucala, Amado Bucala, Ordoñez at Gerrydale at sumakay sa Sedan ng biktima at minaneho ni Castante.
Kinuha sa biktima ang kanyang credit cards, Rolex watch na nagkakahalaga ng P600,000; gold necklace (P50,000); Parker pen (P10,000); mini computer (P15,000) at turbo broiler (P30,000).
Nang mapansin ng mga kidnaper na minumukhaan sila ni Hodreal ay piniringan ito at iginapos ng mga akusado.
Ipinatubos si Hodreal sa kanyang pamilya sa halagang P35 milyon. Noong Oktubre 24, 1998, bandang alas-10 ng umaga ay sinalakay ng ma kagawad ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force ang safehouse ng mga akusado sa kanto ng Kansas at California sts., Villasol subd., Angeles City, Pampanga at na-rescue si Hordeal at driver nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended