^

Metro

Lolo nadurog na sa truck, nagulungan pa ng kotse

-
Naging kalunus-lunos ang sinapit ng isang matandang lalaki ng matapos madurog ang kanyang ulo at magkabali-bali ang mga buto makaraang mahagip ng rumaragasang ten-wheeler truck, nang tumilapon ay nabundol pa ng isang kotse sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa UST hospital ang di pa kilalang matanda na ang edad ay tinaya lamang sa 50-60, walang suot na damit pang-itaas at naka-short pants at nakayapak.

Sa report ng Western Police District-Traffic Enforcement Office, tumatawid ang biktima dakong alas-4 ng madaling araw sa paanan ng tulay ng Dimasalang st., Sampaloc ng biglang sumulpot ang truck na hindi nakuha ang plaka at masalpok ang matanda.

Pagkatilapon ng biktima ay siya namang dating ng isang Honda Civic na hindi rin nakuha ang plaka at muling nahagip ito.

Kapwa tumakas ang driver ng dalawang sasakyan at iniwan ang kaawa-awang matanda na nakabulagta sa daan.

Isang follow-up investigation at operation na ang isinagawa para sa ikadarakip ng dalawang driver. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BINAWIAN

DIMASALANG

ELLEN FERNANDO

HONDA CIVIC

ISANG

KAPWA

MAYNILA

PAGKATILAPON

ULAT

WESTERN POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with