^

Metro

Libong pekeng election return envelopes nasamsam

-
Libu-libong mga pekeng election return envelopes na hinihinalang gagamitin sa nalalapit na halalan ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Comelec at Special Weapons and Tactics (SWAT) mula sa pagawaan nito sa isang bahay, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ayon kay Adriano Abesamis, city’s election officer, siya at ang mga tauhan ng SWAT ay nagsagawa ng raid sa bahay ng isang Esperanza Won, 28, printing contractor, sa #1189 Tañada subd., Sitio Bitik, Gen. T. de Leon nabanggit na lungsod.

Nakumpiska ang may 200 kahon na mga election paraphernalia sa bahay ni Won na ang bawat kahon ay naglalaman ng 500 envelopes.

Ipinaliwanag ni Won na tinanggap niya ang trabaho na naglalagay ng mga pandikit sa envelope pero hindi umano niya alam na mga election paraphernalia ito at labag sa Omnibus Election Code.

Sinabi pa ni Won na ang mga kahon ay dinala sa kanya ng isang mag-asawa na nakilala lamang sa pangalang Yolly at Bernie ng Bambi st., naturang subdivision.

Ayon naman kay Abesamis, nakatanggap umano sila ng impormasyon na sina Yolly at Bernie ay nagtatrabaho umano sa isang Sonny Tiguia, isang bible teacher at kandidatong konsehal sa 2nd district sa ilalim ng tiket ni incumbent Valenzuela Mayor Bobbit Carlos. (Ulat ni Gemma Amargo)

ADRIANO ABESAMIS

AYON

BERNIE

ESPERANZA WON

GEMMA AMARGO

OMNIBUS ELECTION CODE

SITIO BITIK

SONNY TIGUIA

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MAYOR BOBBIT CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with