^

Metro

Anak ng mayor natagpuang patay

-
Palaisipan ngayon sa pulisya ang misteryosong pagkamatay ng isang seaman na umano’y anak ng isang mayor sa lalawigan ng Mindanao matapos matagpuan ang bangkay nito sa South Expressway, Sitio Lambunao, Bgy. Putatan, Muntinlupa City.

Kinilala ni SPO1 Cristito Veluz, ng Criminal Investigation Division (CID) ng Muntinlupa police sa pamamagitan ng ID na nakuha sa kanyang bulsa ang biktimang si Rofe Sulit, 34, may asawa, ng Staka, Dipolog City at pansamantalang nanunuluyan sa #306-B, Palali st., Mandaluyong at sinasabing anak umano ng incumbent mayor sa Dipolog City na hindi nabanggit ang pangalan.

Ayon kay SPO1 Veluz, alas-7 kamakalawa ng gabi habang naglalakad si Jose Cabrera, 35, nakatira sa gilid ng South Expressway ng matapakan niya ang nakahandusay na bangkay.

Nang matiyak na tao ang natapakan, agad nitong ipinaalam sa mga awtoridad.

Wala namang palatandaan na pinahirapan ang biktima at wala rin itong tama ng saksak o baril.

Nagtataka naman ang mga kaanak nito kung paano napunta ang biktima sa nabanggit na lugar, gayunman isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRISTITO VELUZ

DIPOLOG CITY

JOSE CABRERA

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

ROFE SULIT

SITIO LAMBUNAO

SOUTH EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with