^

Metro

Magka-live-in inaresto sa white slavery at rape ng 2 dalagita

-
Isang mag-live-in partner ang sinampahan ng mga kasong white slavery, child trafficking at rape sa Caloocan Prosecutor’s Office kahapon matapos madakip ng mga pulis at ireklamo ng dalawang kabataang babae na naging biktima ng mga ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Pien Piendo Lu, 45, ng #78 11th Ave., Grace Park, Caloocan City at kinakasama nitong si Anita Payag, 31, walang trabaho. Ang dalawa ay kapwa nakakulong sa Caloocan police station.

Base sa reklamo sa pulisya ng mga biktima na nasa edad 13 at 15, kapwa out-of-school youth, ipinasok silang katulong ng kanilang mga kaanak sa mga suspek noong Abril 16 taong kasalukuyan. Dakong alas-10 ng gabi ng nasabing petsa ay niyaya sila ng magka-live-in na kumain sa labas.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima, dadalhin pala sila sa Anito Hotel sa Edsa Ave. Sa loob ng nasabing hotel ay kumain ang mga ito sa isang silid doon at nagulat na lamang ang mga biktima ng ilipat sila ng mga suspek sa ibang kuwarto at makita na may naghihintay na isang lalaking Intsik.

Napag-alaman na sapilitang nilasing ng mag-partner ang dalawa bago ipinagahasa sa hinihinalang kostumer na Intsik.

Saka lamang nadiskubre ng dalawang dalagita ang nangyari sa kanila ng balikan sila ng malay at agad magsumbong sa kanilang kaanak. Sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang mga suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANITA PAYAG

ANITO HOTEL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN PROSECUTOR

EDSA AVE

GRACE PARK

INTSIK

LORDETH BONILLA

PIEN PIENDO LU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with