^

Metro

3 Pinoy na nagtangkang pumuslit sa Amerika nasakote

-
Tatlong turistang Pilipino na nagtangkang pumunta sa Amerika mula sa Indonesia ang pinabalik sa Pilipinas makaraang matuklasan na pawang peke ang kanilang taglay na travel documents.

Sa ulat na tinanggap ni BI Commissioner Andrea Domingo mula kay Danilo Almeda, head supervisor ng BI-NAIA, ang mga pasahero na nagtataglay ng mga palsipikadong travel documents ay sina Laila Evangelista, a.k.a. Nora Castillo Carabbacan, may hawak ng Philippine passport no. TD IV7982001; Marilyn P. Millanez, a.k.a. Alorinae Amuyot Samaniego, may Philippine passport no. TD IV7972001; at Arnulfo Vargas, a.k.a. Hermenigildo Sahilil Estigoy, may tangang Philippine passport no. DD926087.

Ang tatlong pasahero ay dumating kahapon sakay ng Brunei Airways flight BI 681 mula sa Jakarta via Bendar Seri Begawan.

Sa isinagawang imbestigasyon ni BI Supervisor Mike Palon, sina Evangelista at Milañez ay pinauwi sa Pilipinas matapos kumpiskahin ang kanilang mga pasaporte ni Zaldy Patron, Third Secretary at Vice Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta matapos matuklasang pawang mga palsipikado ang kanilang dokumento.

Samantala, ang pekeng US visa naman ni Vargas ay nakita sa pahina 27 ng kanyang pasaporte.

Inamin ng dalawang babae na ang kanilang travel documents ay inayos ng isang nagngangalang Bobby Jimenez sa halagang P280,000 bawat isa, samantalang nagbayad naman si Vargas ng P200,000 sa isang Benjamin Tan upang makakuha ng pekeng US visa.

Ayon pa kina Evangelista at Jimenez, balak nilang pumunta sa Amerika mula Indonesia upang doon ay makapagtrabaho. (Ulat ni Butch Quejada)

ALORINAE AMUYOT SAMANIEGO

AMERIKA

ARNULFO VARGAS

BENDAR SERI BEGAWAN

BENJAMIN TAN

BOBBY JIMENEZ

BRUNEI AIRWAYS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with